Huwebes, Abril 9, 2015

WE MADE A VOW


You and me we made a vow...... 

Sabi nila kapag nagmahal ka.. di mo nakikita yung mali nyo sa isatisa bagkus nakikita mo lang na tama sya... na masaya ka sa piling nya.. na di mo naiiisip yung sasabihin ng iba... kahit sa tingin ng iba mali na.. Tawagin nyo nalang ako sa pangalang.. Angge at eto ang aking kwento...(hahahaha first time ko gumawa ng blog at sana makatulong din to sakin para kahit pano. mabawasan yung bigat na nararamdaman ko..) Feb 2014 naranasan kong mabigo sa pagibig.... tatlong taon din kame ng ex ko na buong buhay ko iniikot ko sa kanya... tanga nga diba... pero bakit nung panahon na yun never kong naramdaman na naging tanga ako basta ang sakin lang masaya ako.. at hanggang kaya ko ibibigay ko ang effort at love para sa kanya... deserving naman diba... yun nga minahal ko sya sa paraang alam ko... seryoso at walang biro... effort dito effort dun.. ipon dito ipon dun para sa surprise kase nga mahal diba... ang buong akala ko noon kapag ganung bagay... hanggang huli hahawakan nya pa din yung kamay ko.. hanggang sa harap ni G. pero mali pala ih... habang nasa kalagitnaan ako ng OJT ko sa MAKATI.. nalaman ko nalang na nagdadate na sila ng EX nya sa BATANGAS. dun nagsimula ang lahat hanggang sa ang daming tanong na naipon at unting unting lumalabas.. yung ano ba kase kulang? nasakal ba sya? naging masama ba ako... ilan lang yan sa mga tanong ko sa sarili ko noon... hanggang sa ako na mismo ang sumuko at bumitaw sa kanya... masakit kase pilit kong pinipilit pero wala na ih sya na mismo ang nagsasabing kung itutuloy pa ako nalang ang masasaktan.. Lumipas ang oras araw linggo at buwan JUNE 2014 may mga kaibigan akong nagsuggest sakin na pumasok sa isang site WECHAT bakit ko nga ba naisipang pumasok dun.. kase wala lang trip lang at baka sakaling makakamoveon daw ako.. hahahawala namang mawawala kung susubukan diba... bakit kase di maniwala ang mga kaibigan ko na nakamoveon na ako sa lalaking yun... (dont say badwords ) hahaha... Chat dito chat dun kung ano anong tanong pero lahat nag yun sinasagot ko ng pabalang.. hahaha bakit ba ang tatanga ih tatanungin ba naman ako kung anong ginagawa ih alam naman nilang kachat sila.. diba ang tanga.. hahahah natagal akong MALDITA at AMPALAYA DAW.. pero di naman talaga ih... pati ba naman ibang tao iniisip na bitter ako.. wew.. ang galing naman nila ako nga di ko alam ih.. hahahah.. Nakilala akong si anggeng maldita.. madalang na ang may magchat sakin kase naiiyamot daw silang mabara ko... hahahaha... hanggang sa OCTOBER 2014 may isang PANGET ang naglakas ng LOOB sakin na ako ang barahin.. aba ang tapang... una pacute pacute muna sya kaya nakakatamad pero noong naaasar na sya aba at ako naman ang inasar syempre dahil maldita ako palagi ko din syang minamalditahan... hanggang sa parang nagkakabaliktad at ako na ang napipikon.. sabi ko sa sariili ko sino ba ang hampas lupa na to at ang lakas mangasar kala mo close... hanggang sa yun nga awayan asaran at galaawan hanggang sa nagulat nalang ako naiinlab na daw sakin... syempre babae ako nailang ako sa kanya kaya umiwas ako di dahil sa naiinlab na din ako natatakot akong masaktan at umiyak ulit nanay at tatay ko lang nakakapagpaiyak sakin ng sobra huh dumagdag pa ang EX KONG MUKANG TAE. hahahah.. hanggang sa pinuntahan nya ako para makausap at makita na din... at alam nyo ba kung saan sya pumunta sa bahay lang naman namin kung saan nakatira ang aking magulang... hello KOYA ang tapang mo naman humarap sa parents ko.. well dahil nagmamabaet ako... kinausap ko sya at dahil di ko naman sya kaibigan o boyfriend di ko sya pinapasok ng bahay... hahahaha.. bakit ba sa ayaw ko ih... then yun nga habang nagsusungit ako sabi niya aalis na daw sya.. sabi ko GO. BABYE..:)) sabi nya hindi aalis na ako ng BANSA.. nagulat ako at the same time di naniniwala.. pero tahimik lang sya habng ako busy sa pagtatanggal ng dumi sa kuko ko hahaha... ngulat ako.. ang seryoso nya malayo sa MAK na magaling mamikon at mangasar.. aalis na daw sya.. at wait eto ba yung katangahan nyang ginawa kaya naaksidente sya at namamaga ang kamay? hahahaha... wait bakit ba ako nagaalala sa kanya... eh ano naman kung umalis sya... nasabi ko lang bakit ka aalis? Kailan ang alis mo? sabi niya bukas magwowork na ako dun... di mo na ako maasar at di na kita maasar.. tapos tumawa sya ng pilit... alam mo yun napatingin ako sa mukha nya at napatigil ako sa ginagawa ko sa kuko ko.. ang tagal kong napahinto at napaisip ano nga bang mangyayare sakin kapag nawala bigla ang taong to.. magiging maldita pa din kaya ako? magagawa ko pa din kayang mamikon sa ibang tao? ih ako kaya ko kayang mapikon sa iba? hnggang sa iniabot ko nalang yung rosary ko na palagi kong dala kahit nasan ako... "ingatan mo yan huh... sya lang ang palaging nakakakita sayo kaya alagaan mo ang sarili mo" nagulat sya. kase ang laging pasigaw at kala moy hahamon ng away ih naging ganun kaamo... kahit ako nagulat sa sinabi ko sa kanya... shit at nagulat nalang ako sa sinabi nya.. hintayin mo ako huh.. gusto ko pagbalik ko maldita ka pa din...napatingin ulit ako sa kanya... shit ang lakas ng tipok ni HEART shit.....INLAB na naman ba ako? INLAB na din ba ako sa kanya? pero paano kung saktan nya din ako...:( pano kung umiyak ulit ako :( hayst... pano ako.. hanggang sa umalis na sya... tahimik pa din ako... at nagiisip sa posibleng mangyare kaharap ng buwan yung mga panaalinlangan ko sa kanya.. handa na ba akong pumasok ulit sa magulong mundong eto..? :( TIME FLIES ang bilis ng araw nakaalis na sya at 4 oras lang naman ang pagitan namin.. wala natutuwa ako kase di ako nageexpecct na kakausapin sya o ano.. ewan tawa ako ng tawa kapag hawak ko ang phone ko.. o kaharap ko ang computer ko...:) masaya ih bakit ba... hanggang ewan feeling ko.. mahal ko na nga sya.. na kaya ko nang pumasok ulit hanggang sa yun nga NOV.25 2014 KAME na.. nagpromise kame sa isat isa na magiging matatag at matapang para sa mga taong handang humarap samin... bastat kaya nya kaya ko din yun ang palagi kong sabi sa kanya... masyado ko syang mahal ih..:) walang araw na di ako kinikilig walang araw na di ako masaya at pakiramdam ko ang ganda ganda ko. hahaha bakit ga...masaya ako.. mahal ko sya mahal na mahal ko sya.:) 




signing OFF.......
-angge-